Thursday, September 10, 2009

Mali Siya

Maganda ang naging araw ko ngayon dahil sa SOC SCI 3. Nag-aminan na ng dapat aminin at kahit kung tutuusi’y first time four meetings lang naman, nagugulat pa din ako na nagagawa naming mag-lantad ng mga bagay na hindi naman sinasabi kaagad.

Introduce yourself as a sexual being. May mga babaeng umamin na nagkakacrush sa kapwa babae, may babae na umamin na nagka-girlfriend pero may boyfriend na ngayon, may mga babae na hindi matiyak kung ano ang status nila sa relasyon (it’s complicated), may mga babae na one-of-the-boys at alam ang mga kalokohan ng mga kaibigan nilang lalaki, may babae na hindi naging valedictorian dahil nahuli siyang may porn videos sa cellphone (cellphone ng pinsan niya, by the way, nadala niya lang sa school), pero sabi nga ni Sir, thank God na walang babaeng nagsabing sexually experienced siya (nagbago daw pananaw ni Sir mula nung naging Ama siya eh).

May mga lalaki na kahanga-hanga ang moralidad sa paraang open-minded, may lalaking umamin na hindi alam kung lalaki siya pero hindi siya na-a-attract sa babae at may picture siya ng favorite male porn star niya sa bulsa/wallet (sadly crush ko siya dati), may lalaking umamin na bisexual siya with sexual experience from both genders at ang last hit niya was January (best buddy ko yun sa klase), mayron ding sexually experienced with his girlfriend, may lalaking umamin na fantasy ang makitang naghahalikan ang dalawang babae, may lalaki (o bading?) na sinabi na “pekpek” ang tawag niya sa mga kaibigan niya dahil “cute yung tunog”, may mga lalaking nagsabing nanonood sila ng porn (laos na), may UP Film foreign student na umaming ang unang proyekto niya ay gumawa ng porn at may sexual experience siya outside ng kanyang relationship (matanda na siya, 27y/o) at remarkably sabi ni Prof, walang nagsabi na homophobic sila.

Isa nga sa nagshare ay kaibigan ko. Noon nagbibiruan kami kung ano malamang ang pag-iintroduce na gagawin namin at nagulat ako na iyon mismo ang shinare niya. Dahil sabay kami papunta sa next class namin (CS ako EEE siya tapat lang), napag-usapan namin ang ginawa niya. Natural, na-expect na niya ang kakaibang reaksyon ng mga kaklase, ang katahimikan pati na rin ang ngiti. At noong sinasabi niya yun hindi ko din alam kung pano siya haharapin pagkatapos ng klase dahil gusto ko namang malaman niya na hindi naman nagbago ang tingin ko (in essence, oo. Pero friend ko siya at it’s not like magiging isa ako sa experience niya kaya para sa’kin okay lang. Nakakatuwa nga na inamin niya dahil madalas ay tinatago ang bagay na yun). Nag-usap kami ng matino habang naglalakad.

Dahil sa pagiging open at honest ng klase, tila nagtataka ako kung bakit may tinatago pa tayong sikreto, mga deep-dark secrets na ikinahihiya sa iba. Hindi ko ma-explain ang biglang phenomena na bumalot sa akin (o amin) dahil parang bumalik kami sa Garden of Eden na “hubad” at walang tinatago. Biglang napakadali na mag-share ng istorya at personal na isyu kahit gaano pa kabigat o kakaiba dahil kahit tumawa at pumalakpak ang klase ay alam mong hindi nagbabago ang tingin nila sa’yo at instead ay hinahangaan ka pa, o nakaka-relate sila sa iyong kwento. Nawala na ang pagka-taboo ng sex at sexuality sa loob ng isang silid. Parang bumalik kami sa pagiging bata na nagkekwentuhan lang ng mga bagay na tinutuklas namin. Tila hindi ko nakita yung sense na “kasalanan” ayon sa simbahan ang mga ibinahagi namin tungkol sa sekswalidad. Parang pagkatapos ng klase, hindi na ako takot magbahagi ng mga parte ng aking sarili na ipinauubaya ko na lang sa diary para mapag-usapan. Parang hindi na ganoon kahirap ang magsabi ng mga confidential na bagay.

Habang nasa loob pa kami ng silid, habang SOC SCI 3 ang subject namin, at habang kami-kami ang magkakaklase, parang ligtas kami mula sa konserbatibo o mapang-husgang mga mata ng mga serpyente ng lipunan. Mga serpyenteng tutuksuhin ka hanggang magdulot ng isang malaking kahihiyan. Sa semestreng ito, kami ay nasa Paraiso.

[Via http://samee27.wordpress.com]

No comments:

Post a Comment